MAGAZINE
Published February 15,2017
http://magazinereaders.blogspot.com/
Nasasabik man siya sa kaniyang pagbabalik Primetime ngayong taon, aminado ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera na mahirap pa rin para sa kaniya ang maiwan si Maria Letizia, ang panganay na anak at unica hija nila ng kaniyang asawa at Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.
Aniya sa naganap na press conference nitong Miyerkules, nakararamdam siya ng "separation anxiety" tuwing iiwan niya si Baby Zia upang makapunta sa kaniyang mga taping o iba pang commitments.
Naging malaking bahagi raw ng kaniyang desisyong gumawa muli ng teleserye ang kaniyang tatay-tatayan at big boss ng TAPE Inc. na si Tony Tuviera.
Kuwento ni Marian, "May separation anxiety talaga. Pero nag-usap kami ni Mr. Tuviera, sabi niya, ‘Anak, may mga pagkakataon na kailangan mong tiisin. Hindi mo naman habambuhay gagawin."
Ipinaliwanag raw sa kaniya ni Mr. T na para rin sa kinabukasan ng kaniyang pamilya ang gagawin niyang pagtatrabaho, pati na sa ikaliligaya ng kaniyang fans na walang-sawang sumusuporta sa kaniya.
"For example, itong soap ko, hindi ko naman ito gagawin for life. Gagawin ko ito para sa sarili ko, sa future ng anak ko, at sa mga nagmamahal sa akin na miss na akong makita sa TV. After, puwede namang kay Zia ako," pagpapatuloy ng aktres.
No comments:
Post a Comment